-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakubkob ng militar ang isang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade na nadiskubre ng mga sundalo ang kampo ng BIFF sa Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao.

Nakapaloob sa kampo ang 12 foxholes, running trenches at mga kubo-kubo na kayang tumira ang 50 katao.

Malaki ang paniniwala ni 6th ID chief M/Gen. Juvymax Uy na inabandona ng BIFF ang kanilang kampo sa kasagsagan ng focused military operation ng Joint Task Force Central.

Sa ngayon ay palibot-libot na lamang ang BIFF sa SPMS Box at Liguasan Delta.