CENTRAL MINDANAO-Nabawi ng militar ang kuta ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito mismo ang kinumpirma ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy.
Napasok ng tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion Philippine Army ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy Saniag Ampatuan Maguindanao.
Narekober ng mga sundalo sa kuta ng mga rebelde ang mga pampasabog o anti-personnel mines , assorted ammunition at mga personal na kagamitan.
Kinumperma ni M/Gen Uy na noong nakalipas na linggo pa nag-umpisa ang focused military operation ng Joint Task Force Central laban sa mga local terrorist o BIFF na muling nagplano na maglulunsad nang pambobomba sa bahagi ng Central Mindanao.