CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahanda umanong tumulong sa imbestigasyon ang congressional candidate na kasalukuyang kapitan ng pinakamalaking barangay ng Cagayan de Oro City na sentro ng imbestigasyon ng Commission on Elections ukol sa isyu ng influx voters registration.
Katiyakan ito ni Atty Angie Genoso, legal counsel ni Carmen Punong Brgy Rainer Joaquin ‘Kikang’ Uy habang nasa kasagsagan ng kanilang paghahanda pagdalo kung ipapatawag ng Comele-Manila sa susunod na linggo.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Genoso na hindi lang pag-depensa ng kanilang kliyente ang layunin nila pagdalo ng imbestigasyon bagkus ay para makatulong rin sa gusting mangyari ng Comelec na naatasan pangaswian ang hahalan ng bansa.
Ayon sa abogada na tiwala sila na maipaliwanag nila ng husto ang kanilang panig at maiwasto ang mga akusasyon na gumawa ng hayagang paggamit ng impluwensiya ang kliyente nila para makakuha ng dagdag na boto sa darating na halalan.
Magugunitang inakusahan ng Comelec na nalabag umano ni Uy ang ilang probisyon ng Omnibus Election Code kaya pinapa-disqualify pagtakbo pagka-kongresista sa distrito uno ng syudad.
Napag-alaman na sa sobra 21-mil na bagong mga botante sa nabanggit na barangay,higit 8,000 ang natuklasan na inisyuhan ng barangay resident certifications mula sa nasabing kandidato.