-- Advertisements --

Sasagutin na lamang sa korte ng suspek sa isang road rage incident sa Valenzueal City ang mga asunto laban sa kaniya.

Ayon kay Atty. Alyssa Barquez, ang abogado ng road rage suspek na si Marlon Malabute, na handa nilang sagutin ang anumang kaso sa korte.

Alam aniya ng nagrereklamong taxi driver na si Herminio “Henry” Daez Ong Jr na mayroong insidente na nangyari kaya napilitang maglabas ng baril si Malabute.

Magugunitang boluntaryong isinuko na ni Malabute ang kaniyang baril sa PNP at humarap ito kay Valenzuela city Mayor Wes Gatchalian matapos na masangkot sa isang road rage at nakitang bumunot pa ito ng baril.