-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Isinailalim sa lockdown ang kampo ng kasundaluhan sa 93rd Infantry Battalion sa Brgy Aguiting, Kananga, Leyte matapos magpositibo sa COVID-19 ang aabot sa 21 mga kasundaluhan.

Ayon kay Lt. Col. Roberto Beatisula, Commanding officer ng 93rd Infantry Battalion, na unang nagpositibo sa COVID-19 ang isang sundalo na bumalik mula sa isang operasyon sa San Isidro, Leyte nitong Oktubre 10.

Kinabukasan ay na admit naman sa hospital ang naturang sundalo matapos na makaramdam ng lagnat, ulo at pagkahilo.

Matapos ang tatlong araw ay isinailalim ito sa swab test at doon na nalaman na positibo ito sa coronavirus.

Kaagad naman na nagsagawa ng contact tracing ang DOH-8 at doon na nalaman na nagpositibo din sa COVID-19 ang mga naka close contact ng naturang sundalo.

Sa ngayon ay naka isolate ang naturang mga kasundaluhan sa loob ng kanilang kampo.