-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magsasampa ng counter affidavit ang kampo ni former San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez matapos itinuro na suspek sa pagpatay sa businesswoman na si Claire Diergos na umano’y naging karelasyon nito.

Si Diergos ay pinsan ni Police Captain Trisha Marie Diergos na Close in Security ni First Lady Honeylet Avanceña.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Teofisto Melliza, legal counsel ni Lopez, sinabi nito na magsasampa sila ng kasong paglabag sa Republic Act 11594 o Perjury laban sa pamilya ni Diergos at iba pang mga witness dahil sa pagbibigay ng hindi totoong impormasyon o paggawa ng affidavit na walang katotohanan upang idiin ang pamilya ng alkalde.

Napag-alaman na maliban sa alkalde, suspek rin sa pagpatay kay Diergos ang asawa nito na si San Dionisio, Iloilo Vice Mayoralty candidate Saliha Lopez, at mga anak nito na sina Felix, Carlosat Councilor na si Chad at maging ang kanilang mga bodyguard.

Si Chad na ay itinuro rin umanong nakarelasyon rin ni Diergos.