-- Advertisements --
CAUAYAN CITY– Matagumpay na nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kampo ng New People’s Army (NPA) sa boundary ng mga bayan ng Dupax del Sur at Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya.
Nauna rito tinatayang halos 30 na miyembro ng NPA ang nakasagupa ng mga sundalo sa nasabing lugar hanggang sa umatras ang mga rebelde.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col Honorato Pascual, commander ng 84th Infantry Battalion Philippine Army na habang tinutugis nila ang mga rebelde ay natuklasan nila ang kampo ng mga rebelde.
Ang kuta ay kaya umanong mag-accommodate ng 20 hanggang 30 katao.