-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tuluyang nakubkob ng militar ang pinakamalaking kuta ng komunistang New People’s Army (NPA) sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat.

NPA camp

Ito ang kinumpirma ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon.

Ayon kay Carreon, nakubkob ng 603rd Brigade Philippine Army ang kuta ng Regional Party Committee Daguma ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Sitio Kuden, Barangay Batang Bagras Palimbang Sultan Kudarat.

Nilusob ng miltar ang lugar matapos na makatanggap ng report galing sa sibilyan na may presensya ng NPA sa lugar.

Kaugnay nito, tumambad sa militar ang mahigit 100 na myembro ng NPA na nagpupulong sa isang paaralan na ginawang training facility ng komunistang grupo.

Ginagamit ito sa pagsasanay ng bagong miyembro sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

NPA Camp 2

Napag-alaman din na ang NPA na ito ang nangongolekta ng “protection money” sa mga magsasaka sa lugar.

Lima sa hanay ng NPA ang nasawi at 19 naman ang nasugatan sa airstrike ng mga sundalo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang clearing operations ng militar laban sa NPA sa Kalamansig, Lebak at Palimbang sa Sultan Kudarat.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang otoridad sa mga sibilyan na syang nagbigay ng impormasyon sa presensiya ng NPA sa lugar.