BUTUAN CITY – Nakubkob ng mga tropa ng 23rd Infantry Brigade, Philippine Army ang isang temporary hideout ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Bugta, Barangay Guinabsan, sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte .
Ito’y matapos ang limang minutong engkwentro sa pagitan nila at ng mga natitirang miyembro ng nabuwag na Guerilla Front 4A, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na pinangungunahan ni Jelan Pinakilid alyas ka Baking.
Iniwanan ng tinatayang 10 mga rebeldeng NPA ang kanilang kampo kungsaan narekober ng militar ang limang AK47 magazines at mga bala, isang Anti-Personnel Mine at walong sako ng mga assorted supplies.
Ang operasyon ay bahagi ng No Let-Up campaign ng 4th Infantry ‘Diamond’ Division laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Walang nasugatan o kaya’y namatay sa panig ng gobyerno at inaalam pa ang sa panig ng makaliwang grupo.