Iaapela ng abogado ng rapper na si Sean “Diddy” Combs ang desisyon ng judge na hindi papayagan siyang magpiyansa matapos na maghain ito ng not guilty plea sa federal court.
Matapos kasi na maaresto ang rapper nitong Lunes ng gabi sa Park Hyatt Hotel sa Manhattan ay dinala ito sa kustodiya ng Homeland Security Investigation.
Nagpasya si Judge Robyn Tarnofsky ng korte sa New York na mananatili ang rapper sa Special Housing Unit in the Metropolitan Detention Center sa Brooklyn, New York.
Nahaharap sa kasong racketeering conspiracy, sex trafficking and transportation ang 54-anyos na rapper matapos na ireklamo siya ng dating nobya at mga nakasamang babae.
Nangako naman ang rapper na sakaling payagan ito ng korte na makalaya ay hindi na tatanggap pa ng mga babae sa kaniyang bahay.