-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Binigyang linaw ng Commission on Elections na pwede pang iakyat sa Korte Suprema ng Kampo ni Albay governor Noel Rosal ang kaso ng diskwalipikasyon.

Ito’y matapo na i-deny ng COMELEC en banc ang isinumite nitong motion for reconsideration.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comission on Elections, kawalan o kakulangan sa ebidensya kontra sa unang naging desisyon ng COMELEC 1st Division, ang naging basehan upang maging pinal na ang desisyon ng ahensya.

Ngunit paliwanag ni Laudiangco, pinal lamang ito sa COMELEC, ngunit hindi pa ito final and executory.

Binigyang-diin pa ng opisyal na may karapatan pa si Albay Gov. Rosal na mag-file ng Petition for Certiorari sa ilalim ng Rule 64 of Civil Procedure, upang muling mapag-aralan ang kaso.

Magiging pinal lamang umano ang naging desisyon ng Commission on Elections kung hindi na kokontrahin ng kampo ni Rosal ang naging desisyon, at hindi na makapagsumite ng nasabing petisyon sa loob ng 30 araw.

Samantala, kung maiakyat man ang disqualification case sa Supreme Court at magpalabas ng Temporary Restraining Order, susunod naman umano ang COMELEC sa anumang magiging desisyon korte at hindi mapapababa sa pwesto ang kasalukuyang gobernador.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala si Laudiangco sa publiko na maging kalmado, magtiwala ast sundin anuman an magiging resulta ng proseso.