Nailipat na si dismissed Bamban Tarlac, Mayor Alice Guo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) pero patuloy pa rin ang apela ng kampo nito na ibalik at manatili ang dating alkalde sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) para sa seguridad nito.
Una nang iniulat kanina na ni-recognize ng Pasig RTC branch 167 ang mosyon ng kampo ni Guo na manatili ang dating alkalde sa crame ayon sa legal counsel ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla, at naglabas din ng utos kanina ang korte na pansamantalang ipagpaliban muna ang paglipat kay Guo papuntang Pasig city jail.
Kinumpirma naman ni BJMP spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, na natanggap nila ang nasabing kautosan pero dahil naihatid na si Guo sa Pasig kaninang alas nuebe ng umaga, at wala namang opisiyal na utos ang korte na ibalik ang pinatalsik na alkalde sa kampo krame, nanatili pa rin sa Pasig city jail female dormitory si Guo.
Gayunpaman, sa kalalabas lang na order ng korte ngayong hapon, isinawalang bisa na nito ang mosyon ng kampo ni Guo.
“Considered moot na rin ang unang order na pinipigilan ang pag lipat sa Pasig.” ani Bustinera.
Sa panig kase ng kampo ni Guo, ayon kay Atty. Jamilla, natatakot sila sa seguridad ni Guo kaya nais nila na manatili lang ito sa custodial facility ng PNP sa kabila ito ng pagtitiyak ng BJMP na nagsagawa na sila ng risk assessment at nasuri na ang profiles ng mga makakasama ni guo sa kulongan sa pasig.
Maliban pa rito, ikinukonsidera rin umano ng legal counsel ni Guo ang kalusugan ng dismissed mayor na ilang araw na may ubo, sinat, kulang sa tulog at bumagsak din daw ang timbang.
Samantala, una nang iniulat na matapos makitaan ng doctor ng suspected infection ang kaliwang baga ni Guo kaninang umaga, agad na in-isolate muna ng BJMP si Guo at nagsagawa ng sputum test.
Pero bandang alas tres nang hapon lumabas ang resulta at negatibo ang pinatalsik na alkalde sa sakit na tuberculosis kaya naman, isinama na ito sa 43 preso sa isang regular na selda sa kustodiya pa rin ng BJMP. Tiniyak naman ng tagapagsalita ng BJMP na provided ang vitamins at gamot ng mga inmate para sa hindi magkasakit o maghawaan.