-- Advertisements --
Nababahala ang kampo ni World junior bantamwieght champion Jerwin Ancajas sa kaligtasan ng boksingero dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Los Angeles.
Nasa LA kasi ngayon ang Pinoy boxer para paghandaan ang laban kay Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico.
Hinihintay din nito ang eksaktong petsa ng laban na itinakda sa buwan ng Abril.
Mayroong 32 panalo isang talo at dalawang draw si Ancajas habang mayroong 22 panalo at isang talo lamang si Rodriguez.
Itinakda sana noong Abril 2020 ang laban subalit ito ay kinansela dahil sa COVID-19 pandemic.