-- Advertisements --

Nakubkob ng mga tauhan ng Philippine Army Scout Ranger ang pinagkukutaan ni Sulu based ASG leader Mundi Sawadjaan sa Indanan,Sulu.


Bago nakubkob ng militar ang nasabing kuta nagkaroon muna ng sunod sunod na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at grupo ni Sawadjaan dahilan para matunton ng mga tropa ang kuta ni Sawadjaan.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt Col Ronaldo Mateo alas-9:00 ng umaga kanina nang makita ang lugar kung saan nagtago ang grupo ni Mundi Sawadjaan na responsable sa Jolo Bombings.

Batay sa intelligence report ng militar tatlong araw nanatili sa lugar ang grupo nila Sawadjaan na aabot sa 40 ang bilang.

Nakuha sa lugar ng mga terorista ang kanilang mga personal belongings.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pagtugis ng Joint Task Force Sulu sa Grupo ni Sawadjaan gamit ang lahat ng land, sea, at air assets ng militar.

Mula noong August 25 nang magsimula ang militar na tugisin ang grupo ni Sawadjaan kung saan namatay na sa mga sagupaan ang tatlong miyembro ng ASG nang magka engkwentro sa Patikul Sulu noong August 29, habang siyam na Abu Sayyaf ang sumuko na sa JTF Sulu.

” We are employing the full force of JTF Sulu’s military asset to track down the group of Mundi Sawadjaan.We are winning in our peace and development campaign in the island of Sulu,” pahayag ni JTF Sulu Commander BGen. William Gonzales.