Tumanggi ang kampo ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na tanggapin ang arrest order ng House of Representative laban sa kanya.
Kinumpirma ito ni House Secretary General Reginald Velasco.
Ayon kay Velasco, alas 9 ng umaga kahapon ng dinala ng House sergeant at arms ang arrest order sa law office ni Roque ngunit hindi ito tinanggap ng kanyang staff.
Kung maaalala, muling na cite in contempt si Roque ng house quad committe dahil sa pagmamatigas nito na isumite ang kinakailangang mga dokumento sa pagdinig.
Nanguna sa paghahain ng mosyon si Rep. Jonathan Flores para ma cite in contempt at ma detain si Roque na magtatagal hanggang maisumite niya ang mga dokumento o hanggang matapos ang serye ng pagdinig.
Kinukwestyon kasi ng mga mambabatas ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng corporasyon ni Roque na Biancham Holdings and Trading.
Batay sa datos , sa loob lamang ng apat na taon, umakyat ito mula P125,000 noong 2014 sa P67.7 million noong 2018.
Si Roque ay iniuugnay sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa partikular na sa Lucky South 99 bagay na itinanggi ng dating opisyal.
Samantala, tinawag naman ni Roque na’ political inquisition’ ang ginagawa ng Quad Committee ng Kamara laban sa kanyan at pamilya Duterte.
Naniniwala rin ri Roque na isa itong uri ng political harassment at power trip laban sa kanila.