Nais ng kampo ni Olympic boxer Eumir Marcial na gawing pribado na lamang at huwag ng isapubliko ang anumang hidawaan nila ng asawa nitong si Princess.
Sinabini Atty. Marlon Morada, na pinayuhan na niya ang boksingero na talakayin ang awayan nilang mag-asawa sa tamang forum.
Hanggang sa kasalukuyan kasi aniya ay wala silang natatanggap na formal complaint mula sa asawa nito.
Pagtitiyak pa ng abogado na kapag natanggap nila ang nasabing reklamo ay agad silang magbibigay ng kasagutan dito.
Magugunitang naghain na ng reklamo ang kampo ni Princess Marcial ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Acts of 2004 sa Pasay City prosecutors office nitong Biyernes.
Una rito ay isinawalat ni Princess ang ginagawang pagmamaltrato sa kaniya ng boksingero kung saan nahuli umano nito na may kasamang babae sa loob ng kuwarto.
Mariing pinabulaanan naman ng ito ng boksingero kung saan sinabi nito na imbento lamang niya ang nasabing alegasyon ng asawa nito.