VIGAN CITY – Nanindigan ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na kanilang itutuloy ang isinampang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo kahit pa isang araw na lamang ang natirira sa termino ng bise presidente.
Ito ay kasunod ng desisyon ng Presidential Electoral Tribunal na ipalabas lamang ang kopya ng committee report hinggil sa nasabing electoral protest at hindi ang mismong desisyon hinggil sa isinampang reklamo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, muling nanindigan si Atty. Vic Rodriguez, ang tagapagsalita ni Marcos, na ang kanilang ipinaglalaban ay hindi lamang umano para sa interes ng dating senador kundi para sa interes ng sambayanang Pilipino.
Nilinaw nito na kung posisyon lamang umano sa gobiyern ang habol ng kaniyang kliyente ay tumakbo na sana ito noong nakaraang halalan ngunit hindi niya ginawa dahil nais umano nitong malaman ang tunay na nangyari noong 2016 vice presidential elections.
Aniya, kung sakali man umanong hindi pabor sa kanilang maipapalabas na desisyon sa mga susunod na araw, tatanggapin umano nila ito ng bukal sa kanilang kalooban.