-- Advertisements --

Ipinapaubaya na lamang ng kampo ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsagot sa isyu ng paglalagay ng mga posters ng supporters nito sa probinsiya ng Isabela.

Marami kasi ang nakapuna sa pagsusuot at paglalagay ng posters ng alkalde na nanghihikayat na ito ay tumakbo sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE.

Makikita sa mga kumalat na larawan sa social media na nakasuot ng kulay berde ang mga benepesaryo ng programa at nagkalat ang mga posters na “Run Sara Run”.

Tumanggi namang sagutin ng provincial government ang nasabing usapin.