-- Advertisements --
Iaapela ng kampo ni Novak Djokovic ang visa cancellation nito sa Australia.
Sinabi ng abogado ng Australian Open defending champion si Nicholas Wood, na hindi makatarungan ang desisyon ni Immigration Minister Alex Hawke sa pagkansela ng visa nito.
Dadalhin aniya nila sa korte ang nasabing pagkansela ng kaniyang visa sa ikalawang pagkakataon.
Nais nilang madinig agad ng korte ang kaso para ito ay makapaglaro at maidepensa ng Serbian tennis star ang kanilang titulo.
Magugunitang kinasela ng Immigration Minister ang visa ni Djokovic dahil sa mahigpit na ipinagbabawal sa Australia na maglaro ang mga hindi bakunadong players kahit na nakakuha ito ng medical exemptions.