-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tuluyang nagsumite ng petisyon ang kampo ni dating Congressman Jun Acharon sa Commission on Elections (Comelec)-GenSan.

Ito ay may kinalaman sa desisyon ng Supreme Court (SC) na ipinadedeklarang kongresista ng 1st District of South Cotabato si dating Vice Mayor Shirlyn Nograles.

Nakasaad sa petisyon na kailangang gumawa ng hakbang ang Comelec en banc para makuwestyon ang naturang desisyon matapos na sinuspinde ang halalan noong May 2019 dahil sa pag-apruba ng batas na naghahati sa GenSan bilang 3rd District; at Polomolok, Tupi, Tampakan bilang 1st District.

Napag-alaman na maraming residente at registered voters sa GenSan ang hindi nakaboto noong May 13, 2019 elections base sa Resolution 10524.

Samantala, sinabi ni Nograles na karapatan ni Acharon na mag-file ng petisyon at motion for reconsideration subalit iginiit nito na nagbigay na ng pinal na desisyon ang SC kung saan unanimous ang desisyon.

Nakasaad sa batas na ang paghahati ng distrito ay epektibo pa sa May 2022.