Umaasa ang kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa paborableng desisyon mula korte ng Timor-Leste kaugnay sa extradition case ng dating mambabatas na nahaharap sa mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas.
Ito ay kasunod na rin ng pagtatapos ng mga pagdinig sa extradition ni Teves noong nakalipas na linggo makaraang maiharap na ang mga testigo ng 2 panig sa pagitan ng gobyerno ng PH at kampo ni Teves sa Court of Appeals ng Timor-Leste.
Sinabi din ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio umaasa at nagdarasal sila na tatalima ang hukuman ng East Timor sa kung ano ang nasa Saligang Batas, nang walang pagsasaalang-alang sa diplomatikong panggigipit na ginagawa umano ng gobyerno ng Pilipinas.
Ibinahagi din ni Topacio na ang panig ng prosekusyon ay kailangang magsumite ng kanilang memorandum sa Hunyo 19 habang ang defense ay sa ika-24 ng Hunyo.
Sinabi ni Topacio na tinutulungan niya ang mga abogado ng Timor-Leste sa mga punto kaugnay sa batas ng Pilipinas.
Samantala, kasalukuyang nasa ilalim ng house arrest sa Timor-Leste si Teves.
Sa bahagi naman ng Department of Justice, tiwala ang ahensiya na papanig ang korte ng East Timor sa gobyerno ng Pilipinas.
Matatandaan na nais ng Department of Justice (DOJ) na harapin ni Teves ang mga patung-patong na kaso laban sa kaniya dito sa PH kabilang na ang murder, frustrated murder at attempted murder kaugnay sa Pamplona massacre noong Marso 4, 2023 na nagresulta sa pagkamatay ni Gov. Roel