Naghain ng motion to quash kahapon ang kampo ni ex-Ilolio Mayor Jed Patrick Mabilog at ngayong araw lamang natanggap ng prosecution ang kopya.
Dahil dito hindi natuloy ang arraignment kay Mabilog.
Binigyan naman ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ang prosecution ng hanggang October 18,2024 na magsumite ng kanilang paliwanag.
Itinakda sa November 22 ang arraignment ni Mabilog.
Ngayong araw kasi itinakda ng Sandiganbayan ang arraignment laban kay dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog kaugnay sa maanomalyang towing deal na kaniya umanong nilagdaan nuong 2015.
Nakapaglagak ng pyansa si mabilog ng P90,000 nuong sept 10, 2024 ng bumalik ito sa bansa matapos ang pitong taong self-imposed exile nuong 2017 matapos siyang mapabilang sa narco-list ni dating PRRD.
Naglabas ng dismissal order ang Office of the Ombudsman laban kay Mabilog matapos mapatunayang guilty of grave misconduct, serious dishonestu at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ang dismissal ay may penalties na perpetual disqualification from holding public office, cancellation of eligibility, forfeiture of retirment benefits at hindi maaring kumuha ng civil service exasminations.