Mariing itinanggi ng kampo ni dating Pangulong Joseph Estrada ang alegasyon na may ipinangako ang administrasyong Estrada sa China partikular ang pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa anak ng dating Pangulong Estrada na si Senator Jinggoy Estrada na walang katotohan ang nasabing alegasyon at sinabing “illogical” para sa dating Pangulo na mangako sa Chinese government.
Ayon kay Sen. Estrada, batay sa naging pahayag ni dating senator Orly Mercado na walang nangyaring kasunduan o pangako ang Pilipinas sa China nuong panahon ng Estrada administration.
Si Mercado ang dating defense secretary ni Estrada.
Sa panig naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na wala siyang ideya hinggil sa umano’y pangako.
Pinasinungalingan naman ng National Security Council (NSC) ang alegasyon ni Tiglao.
Samantala, una ng itinanggi ni dating Pangulo na ngayon ay Deputy Speaker at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na kaniya umano’ng ipinangako sa China na aalisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Batay sa naunang pahayag ng China na nangako ang Pilipinas na alisin ang BRP Sierra Madre sa nasabing lugar.
“I have been asked to comment on claims that the Philippine government had promised China to remove BRP Sierra Madre from Ayungin Shoa…. I never made such a promise to China or any other country. Second, I never authorized any of my government officials to make such a promise,” pahayag na inilabas ni Rep. Arroyo.
Batay sa naging pahayag ng dati nitong tagapagsalita na si Rogoberto Tiglao na si dating Pang. Joseph Estrada ang nangako sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Binigyang-diin ni Rep. Arroyo na wala siyang alam hinggil sa anumang pag-uusap patungkol sa BRP Sierra Madre.
“I only became aware of such claims recently when the matter surfaced in public discussions,” dagdag pa ni Arroyo.
Batay naman sa naging pahayag ni Tiglao na ang commitment sa China ay ginawa nuong administrasyon ni Estrada nuong 1999.
Pagtiyak naman ni Tiglao na may sapat siyang ebidensiya ukol dito.