Umalma ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa hinahandang briefer ng Department of Justice (DOJ) para sa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr hinggil sa isyu sa International Criminal Court (ICC) sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa dating pangulo at sa iba pang mga indibidwal.
Ayon kay dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, ang hakbang ng DOJ ay nagpapakita o nagpapanggap na ignorante sa kabila ng walang tigil na pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos jr., na walang jurisdiction sa Pilipinas ang ICC dahil gumagana ang judicial system at hindi makikipag tulungan sa anumang imbestigasyon na gagawin nito sa bansa.
Dagdag pa ni Panelo ang paglalabas ng warrant of arrest o ang tangkang pagsilbi nito sa isang Pilipino ay isang brazen assualt to sovereignty at territorial integrity ng Pilipinas.
Giit ni Panelo dapat sundin ng DOJ ang polisiya na inilatag ni Pang. Marcos hinggil sa ICC at huwag ito maliitin.
Nanawagan din ito na itigil na nila ang pagkalat ng impormasyon na tila babaliktad ang Pangulo sa kaniyang naging pahayag sa ICC.
Giit ni Panelo, obligasyon ni Pang. Marcos na protektahan ang konstitusyon at ang sambayanang Pilipino laban sa tangka ng anumang banyagang bansa o entity na lumalabag sa ating karapatan bilang isang bansa.