VIGAN CITY – Maghahain sa susunod na linggo ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ng tugong sa naging komento ng Office of the Solicitor General (OSG) at ng Commission on Elections (COMELEC) na may hurisdiksyon ang Presidential Electroral Tribunal (PET) na dinggin at kilalanin ang kanilang aksyon sa pagpapatawag ng annulment of election result sa tatlong probinsya sa Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, malaki ang paniniwala na sisimulan na ang pagdinig sa kanilang hakbang sa pagdedeklara ng annulment of election sa probinsya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao.
Aniya, ang paghahain ng motion for inhibition kay Associate Justice Marvic Leonen ay upang matuldukan na ang delay at humihingi umano si Marcos ng patas na pagdinig sa kanilang election protest.
Hindi nagbago ang hangarin ng dating opisyal na malaman at panagutin ang mga nasalikod ng pinaniniwalaang dayaan sa eleksyon noong 2016 sa pagka-bise presidente.