Ipinakita ng kampo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang sertipikasyon ng pagbabayad nila sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ito a bilang kasagutan sa mga petitioners na naglalayong ikansela ang certificate of candidacy para sa pagkapangulo ni Marcos.
Pinangunahan ni Atty. Vic Rodriguez ang tagapagsalita ng senador ang pagpapakita sa mga mamamahayag ng dokumento na noon pang Disyembre 27, 2001 ang pagbabayad nila sa BIR ng aabot sa P67,137.21.
Base sa mga resibo na nagbayad ng kabuuang P13,137.27 bilang kabuang kakulangan sa income tax, multa na P36,000 at surcharge na P18,000.
Sinabi ng abogado na nabayaran na ni Marcos ang lahat ng mga kakulangan sa buwis nito kabilang na ang interest.
Pinuna din nito ang mga petitioners na naglalabas ng mga isyu ng walang anumang sapat na ebidensiya.