Pinag-aaralan na rin ng kampo ni dating Senator Leila De Lima kung applicable din sa kaso ng dating Senadora ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pansamantalang pagpapalaya kay Gigi Reyes na dating aide ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na nakulong ng 9 na taon para sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.
Kamakailan lamang, pinagbigyan ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ni Reyes para sa writ of habeas corpus dahil sa mahabang panahon na pagkakakulong nito nang walang conviction mula sa korte na aniya’y naging oppressive dahilan para igiit ang kaniyang karapatan para makalaya.
Nitong biyernes, sinabi ng abogado ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon na tinitignan na nila ang posibilidad ng paghahain din ng kaparehong petisyon sa Korte Suprema.
Sinabi naman ni Justice Secretry Jesus Crispin Remulla na posibleng applicable ang parehong dahilan sa kaso ni dating Sen. De Lima sa naging ruling ng SC sa kaso ni Reyes.
Sa ngayon tinitimbang aniya ng kanilang kampo ang best option para kay De Lima at inaasahang mapagbibigyan ang kaniyang bail petition sa unang quarter ng taon.