-- Advertisements --
Nanindigan ang gobyerno na walang naging paglabag sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa pagharap ni PNP CIDG Chief Major General Nicolas Torre III sa pagdinig ng senado kahapon , iginiit nito na nagbigay sila ng soft at printed copy ng arrest warrant mula sa ICC sa dating pangulo.
Aniya, naibigay na ang soft copy nito sa tube pa lamang ng kanyang sinasakyang eroplano mula Hong Kong.
Punto pa ni Torre na ito ay valid at sumusunod sa legal na proseso ng pagsisilbi ng warrant.
Sa kabila nito ay humingi pa rin aniya ang dating pangulo ng hard copy ng nasabing arrest warrant.
Paliwanag ni Torre, bandang tanghali na ng maibigay ang hard copy ng warrant kay Duterte habang 15 pages naman ang ibinigay sa kampo nito.