Naghain ng kahilingan sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng admission process sa mga biktimang magbibigay ng testimonya hinggil sa kanyang Crimes Against Humanity case.
Hinimok ng kampo ni Duterte na ang ICC Office of Public Counsel for Victims ang tanging payagang maging legal representatives ng mga biktima, at hindi ang mga sarili nilang abogado.
Ito umano ay upang matiyak na hindi maaapektuhan ang karapatan ni Duterte sa “speedy judicial process.”
Naniniwala ang defense team na malaking oras ang gugugulin kapag tinanggap ang lahat ng abogado mula sa panig ng mga private petitioners.
Wala pa namang inilalabas na reaksyon dito ang kampo ng mga biktima ng war on drugs.