-- Advertisements --
Tinawag na ‘fake news’ ng kaanak ng namayapang beteranang actress ang pagkalat online ng umanoy ilang milyon na last will at testament nito.
Ayon sa kampo ng actress na walang katotohanan ang nasabing mga kumalat na balita at dapat ay huwag paniwalaan ng publiko.
Itinuturing nila na isang uri ng pambabastos sa actress ang nasabing pagkalat ng nasabing impormasyon.
Plano ng kampo nito na kasuhan ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita.
Nitong Enero 29, ng nai-cremate na ang bangkay ng beteranang actress.
Naghain naman ng resolusyon ang actress at Congressman Lani Mercado-Revilla bilang pagkilala sa galing ng actress.
Magugunitang pumanaw ang movie icon nitong Enero 25 sa edad na 91.