-- Advertisements --

Itinanggi ng kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sila ang nasa likod ng kumakalat na video na nagbabanta sa buhay nina Senators Sherwin Gatchalian and Risa Hontiveros na siyang nag-iimbestiga sa alkalde na may kinalaman umano sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ni Atty. Stephen David ang abogado ng alkalde na isang demolition job lamang ang nasabing alegasyon.

Nagkausap umano sila ng alkalde sa telepono at tiniyak niyang nasa Pilipinas pa ito.

Hindi umano dumadalo si Guo dahil sa labis na trauma na kaniyang nararanasan.

Magugunitang ibinunyag ng mga senador na may kumalat na video nag-alok umano si Guo ng tig-P5 milyon para sa buhay ng dalawang senador.