-- Advertisements --
Nagkakaroon na ng argumentuhan sa magkabilang kampo ng kumakandidato sa pagkapangulo sa US na sina Vice President Kamala Harris at dating pangulong Donald Trump sa ilang panuntunan sa gagawin nilang debate sa susunod na buwan.
Pinagtatalunan ng dalawang kampo kung marapat bang patayin ang mikropono ng isang panig sakaling may nagsasalita.
Hirit ng kampo ni Harris na nais nilang laging nakabukas ang mikropono ng dalawang panig.
Habang ang kampo ni Trump ay nais nila na ang debate na magsisimula sa Setyembre 10 ay dapat naka-mute gaya ng unang napagkasunduan noong hindi pa umaatras si US President Joe Biden.
Magugunitang ipinahayag ng dalawang kampo na handa na silang harapin ang bawat isa sa gaganaping debate.