-- Advertisements --
biden vs trump

Umaasa si Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na wala pa ring pagbabago ang pagtingin ng White House sa Pilipinas sinuman ang manalo sa US presidential elections sa November 3.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Romualdez sinabi nito na kung tutuusin malalim at maganda ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika.

Patunay aniya rito ang malaking kumunidad ng mga Pinoy na umaabot sa 4.3 million sa Estado Unidos.

Batay umano sa kanyang pakikipag-usap sa mga US senators mula sa partido ni Democratic presidential candidate Joe Biden at sa Republicans sa ilalim ni US President Donald Trump, “very impressed” at “proud” ang mga ito sa malaking Filipino-American community sa kanilang mga districts.

Kaya naman tinukoy pa ng ambassador ang “napakatindi” raw na “people to people relationship” ng dalawang bansa.

AMBA 1
Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez

Samantala, tinukoy din naman ng top envoy ng Pilipinas sa US na sana hindi magbago ang pagsuporta kung meron mang bagong administrasyon sa panalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal laban sa China.

Aniya, napakahalaga umano ito lalo na pagdating sa foreign policy ng Estados Unidos sa China.