Itinuturing ng kampo ni Marcos na vindicated sila sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na pagbasura sa petisyon ng disqualifications cases na naunang isinampa ng ilang civic leaders at martial law survivors.
Ayon kay Atty. Estelito Mendoza, legal counsel ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. walang merito ang naturang petisyon kung saan dinismiss lamang ng kataas-taasang hukuman ang kahilingan ng mga petitioners na kanselahin ang certificate of candidacy ng incoming president sa boto na 13-0 votes at may 2 abstentions.
Sinabi pa ng sa batikang abogado at dating Justice minister ng ama ni BBM, inaasahan na nila ang unanimous decision at pagtitibayin ang naunang desisyon ng Commission on Elections’ division at en banc.
Nagpaliwanag daw sila sa mataas na hukuman na walang false statement sa certificate of candidacy sa Comelec na siya namang pinagtibay daw ang naging desisyon noon ng first division at ng en banc ang kanilang posisyon.