-- Advertisements --

Naniniwala ang kampo ni Manila City Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso na magwawagi ito kapag ngayon na ginanap ang halalan.

Sinabi ni Ceszar Chavez, chief of staff ng alkalde, na base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na malaki ang tsansa nila kung mayroong apat lamang ang tatakbo bilang pangulo.

Nakasaad kasi sa nasabing survey a mayroong 30 percent na kalamangan kung apat lamang sila sa pagitan nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Senator Manny Pacquiao at Panfilo Lacson.

Base kasi sa survey na mayroong 30 percent ang nakuha ng Manila Mayor kumpara sa 29 percent na nakuha ng Davao City Mayor habang mayroong 19 percent si Pacquiao at 13 percent lamang si Lacson.

Lumabas din sa survey na nanguna si Duterte-Carpio bilang pangulo habang si Senator Vicente Sotto III ang kaniyang ikalawang pangulo.