-- Advertisements --
Mariing kinondena ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang pagtanggal kay Davao City Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng House Committee on Appropriations.
Para sa HNP, ang pagtanggal kay Ungab ay hindi katanggap-tanggap dahil disadvantageous ito sa reform agenda ng Duterte administration para sa sambayanang Pilipino at sa buong bansa.
Pinuri ng partido si Ungab dahil sa pagiging isang good soldier ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagganap ng kanyang tungkulin na may paninindigan at prinaipyo.
Nitong Lunes, inihalal sa plenaryo ng Kamara si dating House Committee on Games and Amusement chairman at ACT-CIS party-list Rep. Eric Pineda.