Kinumpirma ng kinatawan ni Miley Cyrus na nauwi na sa hiwalayan ang bagong pagsasama pa lamang ng American singer/actress sa celebrity husband na si Liam Hemsworth.
Ayon sa kampo ng “Wrecking Ball” hitmaker, nagkasundo naman ang dalawa sa kanilang desisyon upang makapag-focus muna sa kani-kanilang career.
“Liam and Miley have agreed to separate at this time,” saad ng kinatawan ni Cyrus kasabay ng paghingi ng privacy.
“Ever-evolving, changing as partners and individuals, they have decided this is what’s best while they both focus on themselves and careers. They still remain dedicated parents to all of their animals they share while lovingly taking this time apart. Please respect their process and privacy.”
Kamakailan lang nang umugong ang balitang hiwalay na ang 26-year-old actress sa 29-year-old actor.
Ito’y matapos marami ang nakapansin na hindi na umano suot ni Cyrus ang kanyang wedding ring.
Disyembre noong nakaraang taon lamang nang ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng private ceremony sa bahay ni Cyrus sa Tennessee. (OMG / elle photo)