Nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Nadine Lustre, kaugnay sa pagpabor ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa kasong breach of contract na kinakaharap ng young actress.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, hindi pa naman pinal ang ipinataw na cease and desist order ng korte kaya may 15 araw pa sila ng kanyang kliyente para iapela ang desisyon.
Ipinarating din nito ang pahayag ni Lustre na magpo-focus pa rin sa kanyang solo career na nakakapag-ambag sa mental health ng kanyang fans.
Hindi aniya sapat na basehan kung lumabag man sa kasunduan ang 27-year-old actress noon pang 2019.
Una rito, maliban sa utos ng Quezon City RTC na igalang at panindigan ni Nadine ang kanyang naunang exclusive contractual obligations, pinagbawalan din siya sa pagtanggap ng mga proyekto mula sa ibang kompanya bilang artist at endorser.
Si Nadine ay girlfriend ni James Reid na sinasabing nagkabalikan nitong Enero at magkasama na uli ang sa kanilang love nest sa Quezon City sa gitna ng patuloy na coronavirus pandemic.