-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pag-aayos ng kampo ni dating Pinoy boxing champion Manny Pacquiao para sa muling pagsabak nito sa boxing ring.

Sinabi ni MP Promotions head Sean Gibbons, na kanilang inaayos mabuti ang laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios.

Dagdag pa nito na may mga ilang dokumento pa silang inaayos na maaring matuloy na hanggang sa buwan ng Disyembre.

Ito ang unang laban ni Pacquiao sa boksing na maaring ganapin sa Las Vegas.

Huling laban ni Pacquiao ay noong Hulyo 28 kay Japanese Rizin Featherweight Champion Chihiro Suzuki kung saan isa lamang itong exhibition fight na nagtapos ang laban sa draw.