DAVAO CITY – Wala pang inilabas na official statement ang kampo ni Pastro Apollo Quiboloy may kaugnayan sa isinampang kaso ng United States prosecutors may kaugnayan sa sex trafficking laban sa naturang founder ng Kingdom of Jesus Christ The Name above every Name.
Sa inilabas na 74 na pahinang indictment charges laban sa pastor, inihayag ng mga proseocutor na pinilit umano ni PAstro Quiboloy na makipagtalik sa kanya ang mga batang babae kasabay ng pananakot na eternal damnation kung hindi papayag ang mga ito.
Kalabilang din sa sinampahan ng kaso ang dalawang US based church administrator ng Kingdon of Jesus Christ The Name above every Name na naka-base sa US, isang Helen Panilag, dating top KOJC administrator sa Amerika.
Inihayag ng mga prosecutor na sina Quiboloy, Dandan at Panilag ang nag-recruit ng mga batang babae na nag edad dose hangggang 25 anos upang magtrabaho bilang personal assistants o nga pastorals n Quiboloy.
Kasali rin sa indicted charge na tatlo sa limang mga biktima ang mga menor de edad nang maganap ang sex traffcking .
Ang naturang mga kababaehan ay siyang naghahanda umano sa pagkain ni Quibiloy, taga linis ng kanyang bahay, taga masahe at pakikipagtalik sa pastor bilang parte ng kanilang night duty
Nakasulat din sa indicted charge na ang sex trafficking scheme ay nag-umpisa noong 2002 hanggang 2018.