DAVAO CITY – Inihayag ni Atty. Dinah Tolentino Fuentes, Kingdom Legal Counsel Davao, na sinimulan na ngayon ng kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang proseso sa pagsampa ng kaso laban sa mga gumagawa ng mga malisyoso pahayag o paninira sa sinasabing “appointed son of God”.
Ayon kay Atty. Fuentes, hindi lang ito ang naging hakbang ni Pastor Quiboloy kung hindi ng ilang mga miyembro ng ministriya at sa mga hindi natutuwa sa patuloy na paninira sa pangalan ng pastor hindi lamang sa National news kung hind imaging sa international news, sa Facebook at sa iba pang mga social media forum.
Maghintay lamang umano dahil sinimulan na nila ang proseso nito sa buong Pilipinas.
Nabatid na una ng sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na isang sampal ang inilabas na wanted poster ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil wala itong epekto kay Pastor Apollo C. Quiboloy bagkus ay nagsagawa pa ito ng live streaming kasabay ng pag-alay ng “Anointed Songs of Healing”.
Pagpapatunay lamang uman o ito na nandito lamang sa lungsod si Pastor Quiboloy at hindi nagtatago.
Tiniyak naman ng kampo ni Pastor na tutupad sila sa batas kung sakaling may extradition request ang US State Department.
Ngunit umano basta-basta na lamang na kontakin ni Pastor ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Amerika dahil dadaan pa ito sa maraming proseso base na rin sa international law at sa batas dito sa bansa..
Kung maalala, inilabas ang wanted poster ng FBI dahil umano sa kasong sex trafficking ni Pastor Apollo at iba pang kaso kasama ang iba pang dalawang mga kasamahan nito sa ministriya.
Muling sinabi ni Atty. Fuentes na nakahanda ang panig ng pastor na harapin ang kahit anong kaso lalo na at hindi na bago ang nasabing reklamo.