Lumapit na ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa Korte Suprema para ipadeklarang iligal ang Warrant of Arrest na inilabas ng mataas na kapulungan ng Kongreso laban sa Pastor.
Batay sa kanilang petisyon, ipinunto ni Atty. Elvis Balayan na walang legal na basehan ang pagpapa-aresto sa kanilang kliyente .
Labag din umano ito sa karapatan ng Pastor dahil tila ba hinusgahan na ni Senador Risa Hontiveros si Quiboloy.
Iginiit rin ni Atty. Elvis Balayan na malinaw na nilabag ni Hontiveros ang separation of church and state dahil sa mga isinasagawang imbestigasyon sa senado.
Hiniling ng kampo ni Quiboloy na suriin ang umanoy unfair treatment laban sa kanilang kliyente kabilang na rito ang isyu sa umano’y panggagahasa at pag-aabuso sa mga lumantad na mga biktima.
Ayon kay Balayan, malinaw na ang ginagawang hakbang ni Quiboloy at pamumulitika lamang.