Inalmahan ng kampo ni three-division boxing world champion John Riel Casimero ang isinampang kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Isa umano 17-anyos na dalaga ang nagreklamo laban sa boksingero kung saan naganap ang insidente noong Hunyo 2021.
Isinumbong ng biktima ang insidente sa Taguig City Police Station noong Pebrero 11.
Base sa reklamo ng biktima, na inimbitahan umano ng boksingero ang biktima at doon na nangyari ang pang-aabuso.
Malaki naman ang paniniwala ng kaniyang trainer at kapatid ng boksingero na si Jayson na imbento lamang ang nasabing kaso ay may hinala na sila kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat nito.
Maglalabas aniya ang kanilang kampo ng detalye sa mga susunod na araw.
Sa darating na Abrill 22 ay itinakda ang laban ni Casimero na mayroong 31 panalo at apat na talo laban kay Paul Butler na gaganapin sa United Kingdom.