-- Advertisements --

Hiniling ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy na payagan itong makapagpiyansa.

Ito ay para sa kaniyang kasong qualified human trafficking na isinampa laban sa kaniya at kasalukuyan nang gumugulong sa Pasig City Regional Trial Court.

Maliban kay Quiboloy, hiniling din ng kaniyang kampo ang kaparehong apela para sa apat na iba pang kaniyang kapwa akusado.

Batay sa itinakda ng Pasig RTC, didinggin ang mosyon ng kampo ni Quiboloy sa darating na araw ng Huwebes, Enero 16, 2025.

Si Quiboloy ay una nang nahuli noong huling bahagi ng 2024 at agad nadetine sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP).

Kinalaunan ay inilipat din siya sa Pasig City Jail sa ilalim ng kustodiya ng Bureau of Jail and Management Penology (BJMP).