Inatasan ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang kampo ni KOJC founder at Senatorial aspirant Pastor Apollo Quiboloy na magkomento sa kaniyang disqualification case sa headquarters ng komisyon sa Palacio del Gobernador sa Intramuros. Maynila.
Nakasaad sa summon ng poll body na kapag nabigong maghain ng verified Answer cum memorandum ang respondent sa itinakdang period pagbabawalan ito mula sa pagsusumite ng contravening evidence.
Sa oras na matanggap ang kasagutan ng pastor o magpaso ang ibinigay na period, alinman ang mauna, ituturing na submitted for resolution ang disqualification case ni Quiboloy.
Matatandaan, nag-ugat ang disqualification case ni Quiboloy matapos maghain si Labor leader at Senatorial aspirant Sonny Matula ng petisyon sa Comelec para kanselahin ang kandidatura ni Pastor Quiboloy sa pagka-Senador para sa 2025 midterm elections dahil umano sa “material misrepresentation.”
Nakasaad kasi sa certificate of candidacy (COC) ni Quiboloy na tatakbo siya sa ilalim ng naturang partido subalit iginiit nito na hindi nila miyembro o guest candidate ang kontrobersyal na pastor.
Kalaunan hiniling na lamang ng kampo ni Quiboloy sa poll body na ideklara siyang independent aspirant.