-- Advertisements --

Isinusulong pa rin ng legal counsel ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang pagkakaroon ng hospital o house arrest.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, na naka-pending pa ito sa Pasig City Regional Trial Court ang kanilang apila.

Maghahain pa sila ng mga supplementeal motion para patunayan kung bakit kailangan ng kaniyang kliyente ang hospital arrest.

Dagdag pa nito mayroon itong nakatalagang doctor na sumusuri sa kaniya araw-araw.

Hindi naman na nagbigay pa ito ng anumang impormasyon sa lagay ng kalusugan ni Quiboloy.

Itinakda naman ngayong araw ang pre-making of evidence sa sexual abuse case ni Quiboloy na gaganapin sa Quezon City RTC Branch 106.