-- Advertisements --

Tiniyak ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na kanilang kokontrahin ang hakbang ng Philippine National Police (PNP ) na ilipat siya sa Quezon City Jail.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang abogado ni Quiboloy, na delikado pa rin ang seguridad ng kaniyang kliyente kaya marapat na hindi dapat ito ilipat sa pangangalaga ng PNP.

Sa katotohanan aniya na mahigit 500 kapulisan pa ang umaresto sa kaniya na nangangahulugan na napakadelikado ang seguridad nito kapag nailipat siya mula sa PNP Custodial Center.

Hinihintay pa rin nila ngayon ang desisyon ng Pasig at Quezon City Regional Trial Court sa inihain nilang petisyon na ilagay si Quiboloy sa hospital arrest.