Hihilingin ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ sa Korte Suprema na ikonsidera ang unang naging desisyon nito na ilipat mula sa Davao RTC patungo sa QC RTC ang isinasagawang pagdinig sa kasong Child Abuse at sexual abuse ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon isa sa mga legal counsel ni Quiboloy, susubukan nilang maghain ng most respectful motion for reconsideration sa kataas-taasang hukuman.
Kung maaalala, pinaburan ng SC ang petisyon ng DOJ na ilipat mula sa Davao RTC patungo sa QC RTC ang pagdinig sa dalawang kaso ng pastor.
Ayon sa korte, mayroong sapat na dahilan para pagbigyan ang kahilingan ng Justice Department.
Nilalayon nito na maiwasang magkaroon ng conflict of interest ang pagdinig.
Makatutulong rin ito upang makapaglahad ng malaya ang mga testigo ng kanilang mga nalalaman sa kaso.
Giit naman ni Atty. Tarreon na magiging pabigat ito sa anim pang mga kapwa akusado ng pastor sa kaso.