-- Advertisements --

Naghain ng counter-affidavit ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at mga kasamahan nito laban sa sedition at inciting to sedition na isinampa sa kanila ng Department of Justice.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon ang abogado ni Quiboloy, na noon pang mga nagdaang hearing ay kanilang naihain ang kanilang counter affidavit.

Kabilang kasi si Torreon sa isa sa mga respondents habang ang ibang mga co-respondents nito ay naghain na rin ng kanilang counter-affidavits.

Noong Oktubre ng isampa ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, acting director of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng ihain nito ang reklamo noong ihahain niya ang warrant of arrest laban kay Quiboloy.

May kaugnayan ito sa paghain ng warrant kay Quiboloy noong Agosto sa KOJC compound nito sa Davao City.

Kabilang sa mga respondents ay sina Sonshine Media Network International (SMNI) broadcast personalities Lorraine Badoy at Jeffrey Celis ganun din ang vlogger na si Banat By.

Sa panig naman ni Celis na wala itong binanggit laban sa gobyerno at iprinesenta lamang niya ang mga impormasyon na ibinibigay sa kaniya.