-- Advertisements --

Naniniwala ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy na ang mga kasong kinakaharap nitong child and sexual abuse na isinampa sa Quezon City Regional Trial Court Br. 106 ay mababasura.

Sinabi ni Atty. Israelito Torreon na hind pa natapos ang pagdinig dahil sa maraming mga ebidensiya ang hindi pa namamarkahan.

Gaya ng kasong isinampa kay Quiboloy noong 2020 sa Davao City Prosecutors Office ay tiyak na mababasura din ang kasong isinampa sa QC RTC.

Itinakda sa Oktubre 2 ang pre-trial sa kasong child and sexual abuse laban kay Quiboloy habang ang pagdinig sa qualified human trafficking case ay itinakda sa Oktubre 17.